KABANATA 23
Umalis si Polina nang araw na iyon sa poder ni Hyulle, pinuntahan niya ang kanyang ina upang tanongin ito sa totoong nalalaman nito, patungkol sa katotohanang sinasabi ni Althea.
Nais niyang malaman kung tunay bang maaring ikamatay ni Hyulle, ang pakikipagsiping sa kanya? Ayaw na niyang maniwala sa mga kasinungalingan, gusto niyang si Hyulle naman ang paniwalaan, ngunit nais niyang siguruhing may katotohanan ang anumang naririnig niya.
At nangako siya sa kanyang sarili na kung hindi totoo ay ibibigay na niya ang sarili sa binatang minamahal.
"Inay! Ano bang totoo? Ito ba ang dahilan kaya ayaw mo akong lumayo kay Hyulle? Ito ba Inay?" mariin niyang tanong sa kanyang ina ng makapsok siya sa loob ng kubo na tinitirhan ng mga ito. "Huwag kang mapangahas sa mga katanungan mo Polina!"
"Bakit hindi? Kaligayahan ko bilang isang nilalang ang nakataya rito, buong buhay ko ang akala ko isang kong isinumpang nilalang, ngayon lang ako nakaramdam na may nagmahal sa akin, Inay, sana nauunawaan mo ako?" hiyaw ni Polina. Nais niya ng katotohanan patungkol sa tunay na magiging kalagayan ni Hyulle. Hindi na baleng siya ang mapahamak o mapatay ng mga nilalang na magkakainiteres sa dugo niya, ang mahalaga ay maprotektahan niya si Hyulle. Hindi ito maaring mamatay na lang ng ganon na lang.
"Kung ano ang sinasabi ng puso mo ay gawin mo, huwag mong sasabihin kahit na kailang sa akin na nagkamali ka, ano bang itinitubok ng puso mo, sundin mo," saad ng kanyang ina.
"Pero, inilagay ang utak sa ating ulo, para matutong pangunahan ang ating mga desisyon, mapag-isipan ang lahat ng bagay, kung gagawa ako ng isang desisyon, gusto sigurado," sabi ni Polina.
"Umalis ka na lang sa aking harapan, hindi ko masasagot ang mga tanong mo, kung ano lang ang mga sinabi ko iyong lang ang iyong pag-isipan, naroon ang tama at maling desisyon, nakasalalay sa iyo." At sa kauna-unahang pagkakataon, nakita niyang nangasul ang dating kulay berde nitong mga mata, at naglaho sa kanyang harapan.
Naiwang nanlulumo si Polina, nasa may tabing ilog siya, nakatingin sa rumaragasang tubig mula sa ilog, nag-iisip siyang mabuti kung anong pasya ang gagawin niya. Naramdaman niyang may-isang nilalang ang nakatunghay sa kanya mula sa malayong lugar.
"Magpakita ka!" sigaw niya.
"Tila lumakas ka?" tanong nito.
"Sheira," gulat na sambit niya, napatayo siya at hinarap ito. May kung anong panganib ang nararamdaman niya mula rito. "B-bakit ngayon ka lang nagpakita? Ang tagal ko na kayong hinihintay, marami akong gustong malaman," nanginginig ang tinig niyang sambit sa dating kaibigan. Nakakaramdam siya ng panganib, ngunit sinubukan niyang magpanggap na wala lang iyon, upang hindi nito mahalata na takot siya.
"Mahal na Prinsesa, sumama ka na sa akin, kung kinakilangan mong makumpleto ang lakas mo sa pamamagitan ng pakikipagsiping, si Fillberth ang nararapat mong lapitan," sambit ni Shiera.noveldrama
"Ano?" gulat niyang naibubulalas. "Anong kalokohan ang sinasabi mo?"
"Hindi naman mahalaga kung mahal mo, o nagmamahalan kayo, ang mahalaga ay maibalik ang kapangyarihan mo huling prinsesa ng mga putting lobo, at si Fillberth ang dapat mong makasiping dahil tayo nila Fillberth ang magkakalahi," saad pa ni Shiera.
"Pero, mamatay ang makakasiping ko, iyon ang sinabi ni Althea, isa ring werewolf," dahilan pa niya. Ngunit nakakita siya ng kaunting paraan, paraan upang hindi mamatay si Hyulle. "Tama, mamatay nga siya dahil itim na Lobo siya, ikaw ay Puti, kami ang tunay mong mga kalahi, kaya si Fillberth ang pagbigyan mo ng sarili mo, nais mo bang mamatay si Hyulle?
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ne5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
Dahil lang nais ka niyang bigyan ng lakas, kung makukuha mo naman ito sa ibang lalaking werewolf?" panlalansi pa ni Shiera sa kanya. Sinusubukan nitong kunin ang tiwala niya. Upang maloko siya. Tinitingnan kung bibigay siya. "Sundin mo kung ano ang nilalaman ng iyong puso," mariing wika at habilin nang kanyang ina, na si Patricia. Bago ito mawala sa harap niya.
Ano nga ba ang isinisigaw ng kanyang puso? Nagtatalo ang dalawang bahagi ng kanyang katawan. Ang puso niya ay nagsasabing ibigay na niya kay Hyulle, at si Hyulle ang mahal niya.
Ngunit ang kanyang isipan ay patuloy na nanlalaban, mahal niya si Hyulle, kaya ayaw niyang mamatay ito ng gano'n lang.
"Halika na kamahalan!" sigaw ni Shiera. Inilahad pa nito ang isang kamay sa kanya. "Sumama ka sa akin, dadalin kita kay Fillberth, nang sa ganoon ay magawa niyo na ang inyong ritwal ng pag-iisang dibdib," sambit pa nito. Inaabot na sana niya ang kamay nito, nang bigla niyang marinig ang mga salitang pag-iisang dibdib.
"Pag-iisang dibdib?" napabalik siya sa kanyang katinuan. Malapit na palang masakop ni Shiera ang kanyang isipan. Ngunit di hamak na malakas pa rin siya kaysa kay Shiera. Kaya naman napabalik niya ang kanyang sarili sa kanyang tunay na sitwasyon.
"Hindi ako magpapakasal!" deklara niya sa dalagang akusap. Isang maawtoridad na pagtanggi ang kanyang sinabi.
"Hindi maaari! Kinakilangan mong makipag siping kay Fillberth!" sigaw rin ni Shiera, namula ang mga mata nito, at tila nagagalit.
Nagsimulang maglabasan ang mga pangil nito. At ang mahahabang kuko mula sa mga daliri sa kamay.
"Tampalasan! Pangahas ka!" malakas niyang sampal sa dati niyang kaibigan, noong inaakala pa niyang tao sila.
Natitigilang nagbalik sa anyong tao ang mukha nito, nawala rin ang panglilisik ng mga mata ng sampalin niya ito, nakita nito ang asul na liwanag na bumabalot sa kanyang buong katawan.
"Huminahon ka kamahalan!" sigaw ni Shiera.
"Umalis kana sa harapan ko, hindi ko alam kung anong plano niyo! Kung nais niyong makuha ang dugo, ibibigay ko, huwag niyo lang guluhin si Hyulle," sambit niya. At ilang sandali ay nawala ang liwanag na nakabalot sa kanya. Ngunit ang katawan niya ay mabilis na nanghina. Napaluhod siya sa lupa, doon naman tila nakakita ng pagkakataon si Shiera. Balak niyang kunin si Polina. at dalin kay Fillbert.
Nang tangka na niyang lalapitan si Polina, nanlalaki ang mga mata niyang napa-atras, nasa harapan na niya si Hyulle.
Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin kay Shiera. "Anong akala mo? Mauuto mo ang prinsesa ko?" galit na tanong ni Huylle. Lumabas ang mga pangil ni Hyulle, at ang kanyang mga kamay ay tinubuan na ng mga mahahaba at matatalim na kuko. At nang sasakmalin na niya ito para patayin ay bigalang sumigaw ang isang nagtatagong tinig.
"Sige, iwan mo ang prinsesa mo! Dahil nakahanda kaming kunin siya anomang oras!"
Dahil doon ay hindi na naihakbang ni Hyulle ang kanyang mga paa, at ang mga kamay niya ay nagbalik sa dati. Nilingon niya ang walang malay na si Polina. Nakaluhod ito at nakayuko lamang. Nilapitan niya ito at niyakap. Sabay silang naglaho sa harapan ni Shiera.
Lumitaw si Fillberth, ang lalaking werewolf na nais na makakuha ng pinaka malakas na kapangyarihan mula kay Polina. Alam kasi nila na kung sino ang makakasiping ng huling Wolf Princess ay magkakaroon ng ibayong lakas at kapangyarihan, lalo itong makakakuha ng lakas, at ang pagiging emortal ay makakamit nila.