Chapter 11: Akin ka
PINADALA ni Yosef si Marie sa ibang bansa upang doon magpagamot. Naniniwala sila na may milagro pang mangyayari upang madugtongan ang buhay ng dalaga. Makabagong teknolohiya sa larangan ng medicine ang bansang Amerika at may nakausap ng doctor si Yosef upang magsagawa sa masilang operasyon ng dalaga.
"Maraming salamat, hindi ko alam kung paano kita mabayaran sa kabutihang ginawa mo para sa aking kapatid!" ani JOY sa binata nang mapagsolo sila sa opisina nito.
Hindi siya nakasama sa pagpunta sa ibang bansa kahit pwede naman dahil wala siyang passport. Maantala lamang ang pagpagamot ng kapatid kung hintayin pa na ma-release ang kanyang passport.
"Huwag mo na isipin iyan, sapat na sa akin na manatili ka dito hangga't gusto ko." Makahulogang sagot ng binata.
"Pero kapag bumalik na si Marie, pwede na akong bumalik sa Kumbento hindi ba?" wala man kasiguradohan na mabuhay ang kapatid ay naniniwala siya sa awa ng Diyos.
"No!" matigas na tugon ni Yosef dito.
"Why?" nagugulohang tanong ni Joy sa binata.
Nang-aarok ang tingin na ipinukol ni Yosef sa dalaga. Maging siya ay hindi alam kung bakit ayaw niya na mawala sa kanyang paningin ito.
"Iyan ang tanging hiling ko na kapalit sa pagtulong sa kapatid mo, ang manatili ka sa tabi ko." Mahinahon nitong turan habang nakatingin sa hawak na papel.
Mangatwiran pa sana si Joy nang bumukas bigla ang pinto at niluwa niyon ang galit na mukha ni Jinky.
"Wala ka nang oras sa akin pero sa babaing iyan ay mayroon?" Duro ni Jinky kay Joy.
"Ano na naman ba ang problema mo?" Galit na tanong ni Yosef sa nobya. Kahapon ay nagtalo rin sila at nakipaghiwalay siya ngunit hindi ito pumayag.
"Huwag ka na magkaila, iyan na ba ang tipo mong babae ngayon? Isang manang?" Halos lumabas ang litid ng ugat sa leeg nito dahil sa galit. Nalaman niya na tinutulongan ito ng binata na mapagamot ang kapatid nito at madalas magkasama ang dalawa kahit sa labas.
"Stop talking nonsense, Jinky!"
"Huh! At tinatawag mo na lang ako sa aking pangalan tuwing kaharap ang babaing iyan?"matalim ang mga tingin na pinukol niya kay Joy at tahimik lang ito sa isang tabi na lalo lang niyang kinainis.
"Lalabas muna ako, Sir," paalam nito dahil siya ang nahihiya sa binibintang ni Jinky sa kanila.
"Stay here, huwag kang lumabas." Pigil ni Yosef kay Joy.
"See?" Mapang-uyam na wika ni Jinky.
"Enough, Jinky! Wala ng mabuting nangyayari sa relasyon natin dahil sa ugali mo. Aminin ko na may babae nga akong iba pero hindi kasama doon si Divine Joy." Galit na rin si Yosef.
May bahagi sa kaniyang puso ang nasaktan dahil iba ang pagkaintindi sa sinabi ni Yosef. Malabo nga naman na magustohan siya ng binata o mapabilang sa mga babaeng gusto nito.
"Ang mabuti pa ay maghiwalay na tayo at seryoso na ako sa pagkakataong ito." Plat ang tono na pagpapatuloy ni Yosef.
"No! Babe please, I love you so much and I can't live without you! Sige na hindi na ako magseselos sa mga babae mo kahit sa kanya." Turo nito kay Joy. "Basta huwag mo lang ako iwan at ako lang ang pakakasalan mo!" Yumakap ito ng mahigpit sa binata.
"Im sorry but I don't love you anymore," binaklas nito ang brasong nakapulupot sa kanya. "Umalis ka na at may trabaho pa kaming tatapusin."
"Hindi ako susuko, gagawin ko ang lahat upang bumalik ka sa akin!" Marahas na pinunasan niya ang luha sa mga mata. Binalingan si Joy at bahagyang binangga ang braso nang dumaan siya sa harapan nito palabas ng pinto. "Bakit ganoon ka sa babae?" sumbat niya sa binata nang sila na lang naiwan sa loob, naawa si Joy kay Jinky.
"Matagal ko nang gustong makipaghiwalay sa kanya at ito ang magandang pagkakataon. Pasensya na at pati ikaw ay nasangkot sa away
namin."
Nakaramdam ng pagkadismaya si Joy sa inasta ng binata. Mukhang hindi manlang ito nasaktan o nanghinayang sa pagkasira ng relasyon ng mga ito.
"Sana lang ay magbago ka na at wala ng babaeng paluluhain pa." Bulong niya habang nakatingin sa computer.
"Sa tingin ko ay magbabago na nga ako mula sa araw na ito nang hindi ka na ma-turn off sa akin."noveldrama
Napakurap si Joy at tumingin sa lalaki, ito na naman kasi at nagsasalita ng may dobleng kahulogan na ayaw niyang intindihin.
"Mamaalam pala sana ako kung pwede na umuwi ng maaga mamaya?"
"Bakit saan ka pupunta? Wala naman dito ang kapatid mo upang dalawin mo?" Nakakunot ang noo ni Yosef na nakatingin sa dalaga.
"Eh kasi niyaya ako Mark na mag-dinner sa labas." Nahihiya pa ito umamin noong una.
"Mark na naman? Nanliligaw ba siya sa iyo?" Bakas sa mukha ng binata ang nararamdamang inis para sa pinsan nito.
"Huh? Hindi ko alam, basta umoo lang ako nang niyaya niya ako kasi nahihiya ako na tanggihan siya?" "Hindi ka pwede magpaligaw o sumama mula ngayon sa ibang lalaki." Masungit na tugon ng binata.
"Sir, wala naman yata iyan sa kontrata bilang secretary mo iyang pinagbabawal niyo ngayon?"
"Ibinilin ka sa akin ni Marie kaya responsibilidad na kita." Pabaliwalang sagot ni yosef.
Nakaramdam ng lungkot si Joy, lahat na lang ng dahilan ay dahil sa kanyang kapatid. Pakiramdam niya tuloy ay umiikot ang buhay niya sa palad ng binata dahil sa kanyang kapatid. Nagrerebelde ang isip kung kaya umalis pa rin siya ng maaga na hindi na namaalam sa binata at sumama kay Mark suot ang formal dress.
"Ang ganda mo talaga, salamat sa paunlak sa aking paanyaya!" Inalalayan nito ang dalaga sa paglakad papasok ng restuarant.
"Thank you!" Bahagyang namula ang pisngi ng dalaga. Hindi siya sanay na may pumupuri sa kaniyang hitsura.
Namangha si Joy sa ayos ng loob na pinasadya pa ni Mark. Halos kalahati ng restaurant ay inukopa ng binata at may mga bulaklak sa paligid. Malamyos din ang musika, kahit hindi gusto ang kulay ay na appreciate pa rin ito ni Joy. "You like it?" Nakangiti na tanong ni Mark nang makaupo na sila.
"Yes, hindi ka na sana ng abala ng ganito dahil tiyak na ang mahal ng lugar na ito?" Nahihiya pa rin ang dalaga lalo na at nagtitingan ang ilan na kumakain din doon na nasa kabilang panig ng naturang kainan. Mapusyaw ang liwanag ng ilaw sa kinauupoan nila at may mga kandilang nakasindi kung kaya napaka-romantic ng paligid.
"Para sa iyo ay gagawin ko ang lahat makita ko lang na masaya ka!" marubrob na tugon ng binata.
Masaya silang nagkukwentohan at pati ang buhay ng kanyang kapatid ay naikwento niya rin dito.
"Mukhang maging karibal ko pa si Yosef sa puso mo." Biro niya sa dalaga matapos marinig ang mahaba nitong kwento.
"Naku wala akong balak mag-boyfriend dahil gusto kong maging Madre!" Naibulalas ni Joy nang mapagtanto na nanliligaw nga sa kanya si Mark.
"Sigurado ka na ba diyan sa gusto mo na maging?" Malungkot na tanong ni Mark sa dalaga, gusto niya sana ituloy ang panliligaw dito pero nang sinabi nito ang nais sa buhay ay ginalang niya ito at lalong napahanga sa dalaga. "Yes, hinihintay ko lang na tuluyang gumaling ang kapatid ko at babalik na ako sa loob ng Kumbento." Masayang pahayag ng dalaga.
Ngumiti si Mark sa dalaga upang ipakita dito na masaya siya sa kung ano man ang pinili nito.
Masaya si Joy na umuwi at hinatid siya nii Mark. Nangako ang binata na mag-donate sa Kumbento para pantustos sa pangangailangan ng mga bata na kanyang kinupkop.
"Salamat ulit!" Nakangiti na kumaway ito sa binata na nasa loob na ng sasakyan. Hindi agad siya umalis sa kinatatayuan hanggang sa nawala sa paningin ang sasakyan nito.
"Hindi halata na gustong-gusto mo siya kasama noh?" sarkastikong wika ni Yosef na kanina pa naroon sa maliit na bakuran.
"Ikaw pala, Sir!" Gulat na napalingon dito si Joy dito. "Ano po ang ginagawa niyo dito?"
"Simula ngayon ay Yosef na ang itawag mo sa akin at huwag mo na ulit akong suwayin." Bakas sa boses nito ang galit. Halos magwala siya kanina nang paglabas sa opisina ay wala na ang dalaga at nag-iwan pa ito ng note na sumama sa pag- dinner kay Mark.
"Ano po ang ibig niyong sabihin, Sir?" nagugulohan na tanong ng dalaga.
"Tawagin mo pa ulit akong sir at hahalikan na kita!" Sinapo nito ang baba ng dalaga na bahagyang nakaawang ang labi dahil sa gulat sa ginawa niyang pagdikit dito.
"Hindi ba at sinabi ko na hindi ka pwede sumama sa lalaking iyon? Bakit ka tumuloy?" Marahan pa niyang pinisil ang baba nito at pinadaanan ng hintuturo ang ibabang labi ng dalaga. Kanina pa siya nagpipigil na halikan ito dahil sa pinaghalong galit na nararamdaman at pagkasabik na matikman ang mapupulang labi nito.
"Malaki na ako para manduan mo na parang bata dahil lamang sa bilin ng aking kapatid! At saka hindi naman kita kaano-ano kaya wala kang karapatan na pagbawalan ako sa nais kong gawin!" namumula ang pisngi ni Joy dahil sa galit na nararamdaman sa hindi malaman kung para talaga ba kanino. Pilit na iniiwas ang mukha na halos isang dangkal na lang ang layo mula sa mukha ni Yosef.
"Pwes mula sa araw na ito ay pag-aari na kita at walang ibang lalaki ang pwedeng humawak sa iyo kundi ako lang!" tiim bagang na wika ni Yosef at naningkit ang mga matang nakatingin sa dalaga.
"Hindi ako isang bagay na pwede mong angkinin ano mang oras! Bitiwan mo nga ako!" Tinabing nito ang kamay ng binata ngunit lalo lang humigpit ang pagkahawak nito sa kanyang baba.
"Tinatanong mo ako kung paano makabayad sa tulong na ginawa ko sa kapatid mo, hindi ba?" Nakangisi na tanong ni Yosef dito, hindi alam kung paano mapaamo ang dalaga at mapasunod kung kaya naisip ang ganoong istilo. Kinakabahan na napatango si Joy, parang ibang tao na ngayon ang binata dahil sa pinapakitang ugali nito ngayon. Natatakot siya dahil mukhang gawan siya ng hindi maganda kapag ginalit pa niya lalo ito. "Ito ang gusto kong kabayaran, ang maging akin ka!" seryosong turan ni Yosef.
Hindi na nakapagsalita muli si Joy ng marahas na sakupin ng mapangahas na bibig ng binata ang kanyang labi.