Chapter 6
Chapter 6
UNTI-UNTI ay naramdaman ni Throne ang pagkalma ng nanggagalaiti niyang puso nang mga
sandaling iyon. Napamulat siya nang maramdaman ang mga braso ni Christmas na pumaikot sa
kanyang batok. Her eyes were still closed but he could feel her silent surrender.
He gave it all in the kiss-his disappointments, his bitterness, his pain, and his... fear. And Christmas
responded as if she understood them all. Saglit niyang naipikit nang mariin ang kanyang mga mata
bago dahan-dahang pinakawalan ang dalaga.
Lihim siyang napamura nang mapansin ang bahagyang pamamaga ng mga labi ni Christmas. Maingat
na hinaplos niya ang mga iyon. "I'm sorry."
Masuyo itong ngumiti, ang ngiting hindi maintindihan ni Throne kung bakit ipinagdadamot niyang
makita ng iba. Wala na siyang narinig na anumang tanong mula sa dalaga na siyang
ipinagpapasalamat niya. Dahil hindi niya rin alam kung paano magpapaliwanag kung sakali.
Habang nakatitig si Throne sa kulay-tsokolateng mga mata ng dalaga ay naramdaman niya ang
tuluyang pagbalik sa normal ng kanyang paghinga. Ang mga mata ni Christmas ay para bang
nangangako ng isang bahaghari pagkatapos ng mahabang pag-ulan.
"It's okay, Throne," she said in the sweetest voice he had ever heard. "It's okay."
Mas maingat na sa pagkakataong iyon na hinapit niya sa baywang si Christmas. Idinikit niya ang
kanyang noo sa noo nito at saka muling pumikit.
God... this feels great.
NAIKUYOM ni Jethro ang mga kamay habang nakatitig sa tulalang anyo ni Cassandra. Dahan-dahan
siyang lumapit sa kama ng dalaga at iniharap ang mukha nito sa kanya. Sandali niyang nakita ang
pagdaan ng recognition sa mga mata nito pero mayamaya lang ay blangko nang muli ang mga iyon.
"Damn it, Cass. Why are you fighting it?"
Sunod-sunod ang naging malalalim na paghinga ni Jethro, umaasang sa pamamagitan niyon ay
mapapawi kahit paano ang sakit na nararamdaman. Hinaplos niya ang mga pisngi ni Cassandra.
"Sana... sana nakinig ka sa 'kin noon. Alam mo kung gaano kita kamahal and I was willing to accept
you, Cass, but your heart..." He laughed bitterly. "But your heart's just too damned stubborn."
Matagal nang alam ni Jethro ang sitwasyon ni Cassandra dahil siya ang huling tinawagan nito bago
nangyari iyon sa dalaga. Wala na siyang sapat na lakas ng loob para makita ito kaya siya umalis at
nagpunta sa Spain. Pagbalik naman niya sa Pilipinas ay nilunod ni Jethro ang kanyang sarili sa
trabaho, umaasang sa paraang iyon ay makakalimot na siya, na hindi totoong nangyari ang lahat ng
iyon kay Cassandra. But the more he made himself believe that he was no longer in love with
Cassandra, the more he found his heart yearning for her.
"Bumalik ka na sa dati, Cass, and deal with this. 'Wag mong takasan ang realidad para lang makatakas
sa sakit na nararamdaman mo. Come back and stop being like this. Stop torturing me." Halos pakiusap
na ni Jethro. "You've been hurting me for quite a long time now. Mapagod ka naman."
Nang hindi na makontrol ang sarili ay tumalikod na si Jethro at tuloy-tuloy nang lumabas ng ospital.
Papasok na sana siya sa kanyang kotse nang makita si Chad. Biglang nagdilim ang kanyang paningin.
Bago pa niya mamalayan ay nasa harap na siya ng lalaki. Agad namang namutla si Chad nang
makilala siya.
"Damn you! Nakuha mo pa talagang magpakita rito?" Hindi nakapagpigil na binigyan ni Jethro ng
dalawang magkasunod na suntok sa mukha si Chad. "The first one is for Cassandra and the second is
for the baby!" Nang makuha pang makatayo ng lalaki ay ubod-lakas na sinipa niya ito sa dibdib. "And
the last is for me!" humihingal sa galit na sinabi niya. noveldrama
"P-patawarin mo 'ko, Jethro," nakayukong sagot ni Chad nang marahil ay makabawi na.
Mariing ikinuyom ni Jethro ang mga kamay para pigilan ang sariling saktan uli si Chad. "Get the hell
out of my sight, Galvez. Bago ko pa makalimutang may tatlong buhay na umaasa sa 'yo." Hindi siya
nagdalawang-salita. Kahit hirap ay sinikap ni Chad na tumayo.
Jethro's jaw tightened while watching Chad walked away. Mayamaya ay muli niyang ibinalik ang tingin
sa ospital. "Multitalented ka talaga, Cassandra," nagsisikip ang dibdib na bulong niya. "For how else
can I explain how you can make me love you and hate you all at the same time?"
"IT'S WEIRD but when I look at him, I see... rage."
Kunot-noong binalingan ni Christmas ang kinakapatid na si Dana na siyang drummer nila sa banda.
Tanging si Dana lang ang nagkomento nang ganoon nang mapag-usapan si Throne. Sandali silang
nagpahinga mula sa pagre-rehearse ng mga kakantahin nila para sa gabing iyon sa resto bar.
"Unang kita ko pa lang sa kanya, 'yon na ang napansin ko," patuloy ni Dana. Hindi alam ni Christmas
kung saan nagmula ang pagbundol ng kaba sa kanyang dibdib sa sinabi ng kinakapatid. Tahimik lang
si Dana pero mapanuri itong tao. Hindi si Dana ang tipo na basta na lang nagbibigay ng opinyon nang
hindi pinag-iisipan nang husto.
"At kanino naman siya magagalit?" Ani Laurie, ang lead guitarist nila.
"Hindi ko alam. Baka kay... Chris?" Nagkibit-balikat si Dana bago muling humarap sa kanya. "Hindi ka
ba nagtataka kung paanong pinapansin ka na niya ngayon samantalang ang sabi mo, halos ka niya
tapunan ng tingin noon?"
"Magkaiba ang noon sa ngayon. Malay mo, biglang nagbago ang tingin niya sa 'kin nang magkita kami
uli?" ani Christmas pagkatapos ng sandaling katahimikan. "Besides, he said it was... extreme like at
second sight." Pinilit niyang tumawa para alisin ang namumuong tensiyon sa kanyang dibdib. "Ano ka
ba, Dana? Nangyayari talaga ang mga gano'n. I loved him the moment I saw him walk through our
door and he liked me the moment he saw me again. It's almost the same thing."
"Pero hindi ka ba nabibilisan?"
Napailing si Christmas. Kung tutuusin ay nababagalan pa nga siya sa takbo ng mga pangyayari.
Mahigit dalawang buwan na silang nagde-date ni Throne. He would kiss her often and would embrace
her whenever he wanted and yet, she still did not know what to call their relationship. Ayaw niyang
mag-assume na sila na dahil wala namang binabanggit ang binata at iyon ang ikinatatakot niya. Paano
kung na-realize ni Throne na hindi pala umabot sa pagmamahal ang pagkagustong nararamdaman
nito para sa kanya? Makakaya kaya niya samantalang asang-asa na ang puso niya?
Magsasalita pa sana si Dana nang gambalain sila ng para bang nahihiyang paraan ng pagtawag kay
Christmas. Paglingon niya ay nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang papalapit na si Seth na
may dalang bouquet ng mga bulaklak.
Dalawang araw pagkatapos na magising ni Seth sa ospital ay nai-discharge na rin kaagad ang binata.
Hiningi nito ang kanyang contact number na nakahiyaan naman niyang ipagkait. Mula noon ay
madalas na ring tumatawag-tawag si Seth pero ngayon lang ito nagpakita sa kanya.
Para bang nahihiyang napakamot sa batok si Seth nang tuluyang makalapit sa kanya. "Pasensiya ka
na, ngayon lang kasi ako nakaipon ng lakas ng loob para puntahan ka."
Narinig ni Christmas ang para bang kinikilig na kantiyawan ng mga kabanda samantalang pasimple
namang dumikit sa kanya si Dana at bumulong. "Mas mabuti nang sa isang simpleng lalaki ka
mapunta provided na mahal ka niya kaysa sa isang prinsipeng mahal mo nga pero sasaktan ka lang
pala."
Tila tinusok ng maliliit na karayom ang puso ni Christmas sa sinabi ni Dana. Mayamaya ay hinila na ng
kanyang kinakapatid ang mga kabanda para makapagsolo raw sila ng bagong dating.
Sinikap ni Christmas ang ngumiti nang iabot ni Seth ang dalang mga bulaklak. "Thank you, Seth-"
"Thank you rin, del Rosario,"
Napasinghap si Christmas nang marinig ang boses na iyon. Bago pa siya makapagsalita ay mayroon
nang brasong humapit sa kanyang baywang. "Thank you sa pagdalaw sa girlfriend ko. I appreciate
your visit but not the flowers. I don't think it's appropriate."
What do you think?
Total Responses: 0